interrupting transmission..
info
pliz lern2 explor site pliz. cleick arund.
At vver eos et accusam dignissum qui blandit est praesent luptatum delenit aigue excepteur sint occae. Et harumd dereud facilis est er expedit distinct. Yoii rockem sockem mow-em yown. Manarie li que vaqeriao. Occae et harumb bet theap. Est praesent luptatum. Ha! Bis nostrud exercitation ullam mmodo consequet
Thursday, January 21, 2010
Sa dinami-dami ng conflict na dumating samin.. sa lahat-lahat ng pinagaawayan namin sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh hindi ko alam kung bakit nasa puso ko parin ang motibo't dahilan para pakinggan parin ang nag-iisang sinisigaw ng puso ko --simple lang, ang mahalin siya. 


Ang weirdo nga eh. Nakakainis. Ako yung laging nilalapitan ng mga kaibigan ko pag-may problema sila sa mga ganyang bagay. Sa mga pag-kakataon na hindi sila mahal nung mahal nila. Pero pag-ako na ang nangangailangan eh hindi ko naman magawang sundin yung mga DAPAT.


Nung una, nakakapagod. Parang gusto ko na sumuko. Gusto ko nang iwan siya. Pero may isang matinding bagay dito sa puso ko na nagsasabing wag mong gawin yung bagay na alam mong pag-sisisihan mo at lalo na yung bagay na hindi mo naman kayang gawin. Mayabang ka! Ayan tuloy, umabot kami ng ilang buwan. Pati rin nga siya eh, naguguluhan na sa mga bagay-bagay. Ewan ko dun.. nakikinig na din kasi ng mga slow rap songs. Hahaha. Unti-unti na lumalabas kakornihan nung taong yun. Ang laki-laking tao eh di mo aakalaing ganun siya magmahal. Para bang kung ganu siya kalaki ngayon eh ganun din kalaki yung pagmamahal niya sa taong pinahahalagahan niya.


Naisip ko, swerte din pala yung babaeng magpapatibok talaga sa puso nung timang na yun. Ako, kahit ganito lang kami.. away bati.. at least nasa sakin siya.. sa ngayon. Pag-aari ko siya. At kung ganun, alam kong ako ang nasa posisyon para ipaglaban siya. Minsan, hindi rin maiwasan na unti-unting bumigat yung nararamdaman kong sakit tapos bigla ko na lang iiyakan ang lahat. Pano kasi, kahit na bang alam kong puso ang ginagamit sa pag-mamahal eh hindi ko parin magamit yung utak ko para protektahan yung sarili ko at hindi na ito lalo pang masaktan sa sobra ngang pagmamahal ko sa kanya.